ENROLLMENT SA CARPENTRY NC II BUKAS NA
BUKAS na ang Technical Education and Skills Development Authority Region II para sa mga nais mag-enroll sa Carpentry National Certificate II.
Inaanyayahan ng TESDA-Provincial Training Center-Cagayan ll ang mga naghahangad na makapagtrabaho sa construction para madagdagan ang kaalaman sa pagiging karpentero at mag-enroll na sa kanila.
Para sa admission, kailangang nakatapos ng Junior High School o ng Alternative Learning System at may certificate ng kahit Grade 10.
Ang hihinging dokumento para matanggap sa Carpentry NC ll course ay PSA Live Birth Certificate, kung tapos ng high school ay diploma nito, kung undergraduate sa college ay transcript of records, college diploma and TOR, barangay clearance, medical certificate, 4 ID picture, passport size; at long brown envelope.
Kapag qualified, matatawag nang TESDA scholar at may benepisyo na, ang pagsasanay ay libre, free assessment at may P160 daily allowance.
Para sa mas detalyadong impormasyon upang maging TESDA-ll scholar, makipag-ugnayan sa tanggapan sa Cagayan.