Nation

ENROLLMENT PARA SA SY 2021-2022 SIMULA NA SA AGOSTO 16

ITINAKDA ng Department of Education sa Agosto 16 ang pagsisimula ng enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022.

/ 9 August 2021

ITINAKDA ng Department of Education sa Agosto 16 ang pagsisimula ng enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022.

Ayon sa DepEd, magtatagal ang enrollment hanggang Setyembre 13. Ito rin ang itinakdang petsa na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa.

Batay sa inilabas na calendar of activities ng DepEd, ang first academic quarter ngayong SY 2021-2022 ay magsisimula sa Set¬yembre 13 hanggang Nobyembre 12, 2021, habang ang second academic quarter ay mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Enero 28, 2022.

Itinakda naman ang Christmas break sa Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.

Sa Enero 3, 2022 ay magpapatuloy ang klase ngunit magkakaroon ng mid-year break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5, 2022.

Magtatapos ang school year sa Hunyo 24, 2022.