Nation

ELEMENTARY SCHOOL SA RELOCATION SITE SA VALENZUELA IPINATATAYO

/ 8 January 2021

ISINUSULONG ni Valenzuela City Distict 1 Rep. Wes Gatchalian ang panukala para sa pagtatayo ng elementary school para sa mga residente sa relocation site ng lungsod.

Sa House Bill 6141, nais ni Gatchalian na itayo ang Disiplina Village Elementary School sa Block 1, Disiplina Village, Bignay, Valenzuela City.

Alinsunod sa panukala, ihihiwalay ito sa mother school na Roberta de Jesus Elementary School sa Hulo St. Bignay.

“The students of DVES came from families in Disiplina Village, who were relocated from danger zones. It began with relocation of communities affected by Typhoon Ondoy,” pahayag ni Gatchalian sa kanyang explanatory note.

Sa tala, nasa 3,708 pamilya na ang nananatili sa Disiplina Village na mga dating nakatira sa mga creek at mga apektado ng NLEX Segment Expansion project.

“The population growth in the Village creates a corresponding growth in the student population of DVES. Hence, there is a need to separate DVES from EDJES,” dagdag pa ng mambabatas.

Idinagdag pa ni Gatchalian na solusyon na rin ito sa geographic problem ng dalawang paaralan na may dalawang kilometro ang layo sa isa’t isa.