Nation

ELEMENTARY SCHOOL IPINATATAYO SA ALABANG, MUNTINLUPA

/ 17 December 2020

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos ang pagtatayo ng panibagong elementary school sa Barangay Alabang sa Muntinlupa City.

Sa Senate Bill 1946, sinabi ni Marcos na sa ngayon ay isa lamang ang public elementary school sa naturang barangay na nagseserbisyo sa 8,500 na estudyante.

“The city has seen the population rapidly grow and providing accessible and quality education with limited facilities and resources has been a constant challenge for  the school,” pahayag ni Marcos sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag pa ng senadora na hinihiling mismo ng mga residente ng Sitio Rizal na magkaroon ng elementary school na malapit sa kanilang lugar upang hindi na kailangan pang mag-commute ang mga estudyante patungong Alabang Elementary School.

“To address this problem, this bill seeks to establish a new elementary school in Barangay Alabang, Muntinlupa City, to be known as Filinvest Alabang Elementary School,” dagdag ni Marcos.

Sa sandaling maging batas, mandato ng kalihim ng Department of Education na isama sa kanilang programa ang operasyon ng Filinvest Alabang Elementary School.

Batay sa panukala, ang pondo para sa paaralan ay magmumula sa General Appropriations Act at ang kalihim ng DepEd ang magpapalabas ng implementing rules and regulations nito.