Nation

EDUKASYON SUSI SA PAGLAYA SA KAHIRAPAN — GATCHALIAN

/ 19 May 2022

NANINIWALA si Senator-elect  Sherwin Gatchalian na dekalidad na edukasyon ang kailangan ng bansa upang tuluyang makaahon sa kahirapan ang mamamayan.

Sa kanyang pagsasalita sa kanyang proklamasyon bilang bagong halal na senador, nangako si Gatchalian na isusulong pa rin niya ang mga panukala na makapagpapatibay sa dekalidad na edukasyon sa Pilipinas.

“Ang aking paniniwala ang ating bansa ay tunay na makalalaya sa kahirapan kung patitibayin ang sektor ng edukasyon,” pahayag ni Gatchalian.

Kasabay nito, binigyang-pugay ni Gatchalian at ng iba pang senators-elect ang sakripisyo ng mga guro at  iba pang poll workers sa sakripisyong kanilang ginawa para matiyak ang maayos at mapayapang halalan.

Samantala, pokus ng speech ni top 1 Senator-elect Robin Padilla sa proklamasyon ang panawagang suportahan ang kanyang pagnanais na ireporma ang Saligang Batas.

Sinabi ni Padilla na panahon na upang baguhin ang Konstitusyon at handa niya itong simulan sa unang araw ng panunungkulan bilang senador.

Si Padilla ay isa sa mga indibidwal na nagsusulong ng Federalism form of government.