EDUKASYON ‘DI MASISIRA NG COVID19 — SEC. BRIONES
OPISYAL nang idineklara ni Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ayon kay Briones, hindi hahayaan ng DepEd na sirain ng Covid19 ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan.
“Today, we open our schools. Today, we claim victory over the Destroyer (Covid19). Let our classes begin!” sabi ni Briones.
Binigyang-diin ni Briones na hindi magiging matagumpay ang paglaban ng edukasyon sa coronavirus kung wala ang tulong ng mga stakeholder at lokal na pamahalaan.
“Lest we forget, mention must be made of our traditional partners who were always there when the Department needed them, our local government units, civil society organizations especially our partners in the Philippine Forum for Inclusive Quality Basic Education or Educ Forum, civic groups, religious institutions, experts in the field of education and generous supporters,” sabi niya.
Malaking tulong, aniya, ang mga ito upang maipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemyang dulot ng Covid19.
“With such a huge army of supporters and benefactors, victory is assured for education, Covid19 notwithstanding,” ayon pa sa kalihim.
Sinabi rin niya na hindi mauubos ang problemang kinakaharap ng bansa kung kaya mabuting labanan ito at pagbutihan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral dahil matinding sakripisyo ang ginagawa ng kanilang mga magulang.
“Araw-araw may bagong krisis, bagong problema at bagong pagkukulang. Paghihintayin ba namin kayong mga mag-aaral? Hindi maaaring pabayaan kayo. Iginagapang ng mga magulang ninyo ang inyong edukasyon. Nasa ibang bansa sila, naghihirap, para mapag-aral kayong mga anak nila. Dugo at pawis ang ibinubuwis ng mga manggagawa makapag-aral lamang kayong mga bata,” dagdag pa ni Briones.