EDUCATIONAL ASSISTANCE SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS ISINUSULONG SA SENADO
ITINUTULAK ni Senador Nancy Binay ang pagkakaloob ng educational assistance sa mga pampublikong guro upang makapagpatuloy pa rin ang mga ito sa pag-aaral.
Sa Senate Bill 118, sinabi ni Binay na isa sa problema sa education system ang kakapusan ng trained at qualified teachers.
Binigyang-diin ni Binay na ang pangunahing dahilan nito ay ang kawalan ng pondo at oportunidad sa mga guro na makapasok pa sa graduate schools.
“Undeniably, public teachers play a significant role in educating Filipino youth who in turn become the future leaaders of this country,” pahayag ni Binay sa kanyang explanatory note.
Sa ilalim ng panukala, pagkakalooban ng educational benefits ang mga guro sa pamamagitan ng scholarship grants para sa post-graduate programs.
Nakasaad sa panukala na kwalipikado sa scholarship grant ang mga public school teacher na nasa active duty sa dalawang magkasunod na taon.
Lalagda rin ang guro sa undertaking na nagsasaad na sa pagtatapos niya ng post graduate course ay magseserbisyo siya sa government schools, colleges at universities
Ang scholarship grant ay para sa state colleges and universities o sa state vocation or technical school sa buong bansa.
Mandato ng Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority na bumuo ng kinakailangang patakaran sa pagpapatupad ng educational benefits.