Nation

EDUCATION CAMPAIGN SA COVID19 VACCINE PAIGTINGIN — YOUTH SOLON

/ 11 June 2021

HINIMOK ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago ang Department of Health at Inter-Agency Task Force na paigtingin pa ang education campaign sa publiko kaugnay sa Covid19 vaccine.

Ayon kay Elago, inihain niya ang House Resolution 1818 kasunod ng mga disinformation sa paggamit ng ilang sinasabing gamot laban sa Covid19 kahit wala pang ebidensiya sa pagiging epektibo ng mga ito.

“Aside from the slow pace of vaccination in the country, several pieces of disinformation have been prevalent such as the effectivity of certain drugs and treatments against the disease, despite there being no scientific studies backing said methods,” pahayag ni Elago.

“There is a huge need to boost the government’s efforts in educating the people about getting vaccinated,” dagdag pa ng kongresista.

Inihayag pa ni Elago na batay sa impormasyon ng ilang research experts, posibleng sa 2023 pa makakamit ng Filipinas ang herd immunity batay sa daloy ng pagbabakuna.

Sa datos ng National Task Force against Covid19, nasa anim na milyong Pinoy na ang nabakunahan kung saan 1.6 milyon na ang fully vaccinated.