EARLY LANGUAGE LITERACY TRAINING PARA SA MGA GURO INILUNSAD NG GLOBE
NAGLUNSAD ang Globe Telecom kamakailan ng isa pang programa upang matulungan ang mga guro na bigyan ng maayos na pundasyon ang mga batang mag-aaral ukol sa wika kahit wala sila sa loob ng paaralan. Ito ay bahagi ng pagsuporta ng naturang telco sa kampanya ng Department of Education na lalong mapabuti ang pagtuturo ng mga guro at ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ang early language literacy training sa pamamagitan ng webinars ay pinangungunahan ng Teach for the Philippines sa ilalim ng programang Global Filipino Teachers ng Globe na naglalayong pataasin ang kalidad ng edukasyon sa Filipinas sa tulong ng mga guro. Ang TFP ay isang non-stock, non-profit na samahan na nais na mabigyan ng mahusay na edukasyon ang mga batang Filipino.
Ang maagang pagtutok sa wika ay isang pangunahing paksa na kailangan ng mga guro ng Grade 1 hanggang 3 sa “bagong normal”, para sa mga estudyante na may edad 5 hanggang 8 taong gulang. Ang mga sesyon ng GFT ay kinikilala ng National Educators Academy of the Philippines ng DepEd. Dahil dito, tinitiyak na ang lahat ng mga dumalo sa training ay makakakuha ng kaalaman at kasanayan na magagamit nila sa kasalukuyang sitwasyon.
“Sinusuportahan ng Globe ang DepEd sa hangarin nitong mabigyan ng patuloy na training ang mga guro sa pampublikong paaralan. Patuloy naming bibigyan ang mga guro at pinuno ng mga paaralan ng kinakailangang kaalaman at kasanayan para mapagtagumpayan ang mga hamon na dulot ng pandemya,” sabi ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications sa Globe.
“Reading is a foundational skill that opens up possibilities for our children. When our students are able to read, they can continue to learn, grow, and eventually, take the necessary steps to improve their lives, as well as those around them. This is our end goal for the Early Language Literacy webinar series with Globe and the National Educators’ Academy of the Philippines (NEAP),” pagbabahagi naman ni Angel Ramos, Teach for the Philippines’ Marketing & Events Director.
Ang GFT Early Language Literacy Series ay may kasamang mga aralin sa pagtuturo ng mga kasanayan sa paunang pagbabasa, pag-alam sa tunog, at iba pang kaugnay nito. Nilalayon ng mga sesyon na tulungan ang mga bata na bumuo ng isang batayan para sa pagbabasa sa pamamagitan ng mga kanta, pagkukwento, pag-uusap, at paglalaro.
Dahil sa Covid19, napilitan ang buong bansa na umangkop sa mga bagong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nananatili sa kanilang mga bahay. Bilang tugon sa hamong ito, binago ng DepEd ang mga pamantayan sa pag-aaral. Gayundin, gumagamit ang DepEd ng iba’t ibang paraan upang maipahatid ang mga aralin gaya ng printed modules, TV, radyo, at pag-aaral online.
Tinutulungan ng Globe ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay para sa guro at estudyante, pagkakaloob ng mga kasangkapan at materyales na kailangan ng sektor, at koneksyon sa internet. Nakatuon din ang kompanya na suportahan ang United Nations Sustainable Development Goals, kabilang ang UN SDG No. 4 ukol sa Quality Education at UN SDG No. 17 sa Pakikipagtulungan para sa mga Layunin ng Sustainable Development.
Upang malaman ang iba pang impormasyon ukol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html.