E-LEARNING STATIONS ITINAYO SA ISABELA
NAGTAYO ang lokal na pamahalaan ng Cabanatuan, Isabela ng E-learning stations sa 22 ba-rangay para masiguro na lahat ng estudayante ay makasasabay sa blended learning.
Ayon kay Michael Kevin Monforte ng Cabanatuan National High School, gagamitin ang E-learning para sa mga gawain ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at upang lumawak pa ang kaalaman ng mga ito sa gitna pandemya.
Binigyang-diin naman ni Mayor Charlon Uy na dapat magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.
“Bagama’t kailangang masigurado ang kalusugan ng bawat mag-aaral, hindi dahilan ang pan-demya para mahinto ang pag-aaral. Kailangang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon at mas lalo silang ganahan para sa pangarap,” pahayag niya.
Sa kasalukuyan, may 10 computer units sa bawat station at maaari pa itong madagdagan.
Sisiguraduhin naman ng lokal na pamahalaan na susundin ang safety protocols para sa proyek-tong ito.
Patuloy pa rin ang mga rehiyon sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.