DUTERTE GOV’T KINALAMPAG SA KAWALAN NG AKSIYON SA EDUKASYON
ILANG estudyante ang nagsagawa kahapon ng kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Higher Education para kalampagin ang administrasyong Duterte sa umano’y kawalan nito ng aksiyon sa mga problema sa edukasyon.
Ayon sa mga estudyante, apat na araw na lamang bago ang pasukan subalit wala pa ring tugon ang administrasyon sa mga problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Nagpaingay ang mga nagprotesta gamit ang kanilang barya bilang pagpapakita ng kanilang galit sa umano’y pagpapahirap ng administrasyong Duterte sa mga estudyante.
Ayon kay Josh Malonzo, national secretariat ng College Editors Guild of the Philippines, lalo lamang mababawasan ang pondo para sa mga campus journalist dahil dito.
Patuloy naman ang panawagan ng mga kabataan na unahin ang kapakanan ng mga estudyante at mga guro, ilaan ang lahat ng kinakailangang rekurso para masiguro ang abot-kayang edukasyon, ibigay ang sapat na ayuda at tulong pang-ekonomya, at ipagpatuloy ang mga institusyon na kumakatawan sa interes ng mga estudyante.
Dagdag pa nila, kailangan ang ligtas, dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa lahat ng estudyante, lalo na sa panahon ng pandemya.