DRY RUN NG F2F CLASSES SUPORTADO NG LADY SENATOR
SUPORTADO ni Senadora Nancy Binay ang nais ni Education Secretary Leonor Briones na magsagawa na ng dry run ng face-to-face classes sa ilang paaralan na nasa lugar na mababa ang kaso ng Covid19.
“I share the Sec. Liling’s position na mag-conduct ng dry run of face-to-face classes in select schools in areas where there are low-risk or zero-incidences of Covid19 as long as strict health and safety protocols are implemented in school and community levels,” pahayag ni Binay.
Sinabi ng senadora na hindi maaaring patagalin pa ang pagkulong sa mga estudyante lalo’t hindi nagiging epektibo ang ipinatutupad na sistema sa pag-aaral.
“Let us all be realistic, ‘di pwedeng naka-lockdown at nakakulong ang mga bata forever. Tanggapin na natin na this is the new normal. We’ve already heard first-hand feedbacks from parents and teachers that online and modular learnings are not for everyone,” giit ni Binay.
“Siguro simulan na natin ‘yung pagbalanse sa face-to-face learning at sa pag-address natin sa problema sa Covid,” dagdag pa niya.
Gayunman, dapat umanong tiyakin ng DepEd ang maayos na assessment sa mga paaralang maaari nang magsagawa ng face-to-face classes.
“But let me be clear: DepEd needs to assess the readiness of local schools and LGUs to respond to an emergency case as far as handling or managing a public health situation such as Covid. DepEd can come up with a minimum checklist and see to it that schools and the còmmunity are equipped should there be any unexpected eventuality,” diin ni Binay.
“What’s ironic, pinayagan na natin ang mga bata na lumabas at magbakasyon at pumunta sa malls which are high-risk environments kaysa sa schools na mas controlled ang setup,” giit pa ng mambabatas.