Nation

DOST MAGTATAYO NG COMMUNITY-BASED CELL NETWORKS PARA SA DISTANCE LEARNING

/ 1 October 2020

KINUMPIRMA ng Department of Science and Technology na magtatayo sila ng community-based cellular networks sa 10 remote areas sa bansa para sa internet connectivity at makatulong sa distance learning.

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na may inilaan na silang budget para sa cellular networks.

“We are planning to set up in 10 very remote places just to show that it can be done even if the big telcos are not located in these areas,” pahayag ni Dela Peña.

Ipinaliwanag naman ni Philippine Space Agency Director-General Joel Joseph Marciano na ang community networks ang magsisilbing open-source technology na makapagbibigay ng koneksiyon sa mga area nito.

“Our small satellites can provide basic communications that can support that ground infrastructure,” pagbibigay-diin ni Marciano.

Hindi pa maidetalye ni Dela Peña kung saan-saan itatayo ang mga cellular network dahil patuloy pa nila itong isinasapinal.

Bukod dito, maaari ring i-develop ng DOST sa tulong ng PTV 4 ang datacasting sa digital television na makatutulong din sa distance learning.

Kinumpirma rin ng DOST na gumagawa na sila ng learning modules para sa mga estudyante kahit noong hindi pa tumatama ang Covid19 pandemic sa bansa bukod pa sa binubuo nilang radio programs.