Nation

DISENYO NG MGA PAARALAN PINAREREBYU SA GITNA NG MAINIT NA PANAHON

HINIMOK ni Senadora Nancy Binay ang Department of Public Works and Highways at ang Department of Education na pag-aralan ang disenyo ng mga paaralan sa gitna ng matinding init na nararanasan ng bansa.

/ 4 April 2024

Sinabi ni Binay na dapat pag-aralan kung kailangang baguhin ang disenyo ng mga paaralan, partikular ang paglalagay ng mataas na ceiling.

Bukod dito, sinabi ni Binay na kailangan na ring tingnan ang disenyo ng mga bintana ng mga paaralan upang matiyak na papasok ang hangin.

Kung si Senadora Cynthia Villar naman ang tatanungin, inamin niya na hindi siya kampante sa pagpapatupad ng blended learning.

“Mahirap din ang blended learning. Kapag sa school, disciplined ka; sa bahay sino ang mag-supervise sa bata?” tanong ng senadora.

Nauna rito, nanawagan ang ilang senador para sa pagpapatupad ng blended learning bunsod ng matinding init ng panahon.