DIGITALIZED BAR EXAMS PERMANENTE NA — SC
IPAGPAPATULOY ng Korte Suprema ang pagdaraos ng lahat ng Bar examinations simula ngayong taon online o sa digitalized format.
IPAGPAPATULOY ng Korte Suprema ang pagdaraos ng lahat ng Bar examinations simula ngayong taon online o sa digitalized format.
Ang desisyon ng High Court ay kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang online at localized Bar examinations sa bansa noong nakaraang Pebrero 4 at 6 para sa 2020-2021 law graduates sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa.
Inanunsiyo ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagpapatuloy ng lahat ng Bar examinations online sa hybrid launching ng Legal Education Advancement Program (LEAP) ng Legal Education Board (LEB) noong nakaraang Huwebes, Peb. 24.
“To sustain the momentum of this digital shift, the Court will pursue the conduct of all succeeding Bar examinations in a computerized format, a long innovation, to align with our strategic plan’s drive towards running all of the judiciary’s adjudicative and administrative systems digitally,” ayon kay Gesmundo.
“Thus, I earnestly enlist the Legal Education Board, the Philippine Association of Law Schools, and our esteemed law deans to adopt the necessary changes in policies and methodologies as the Court fully transitions to this new platform for administering the Bar examinations,” dagdag pa niya.
Ang chairman para sa 2022 Bar examinations ay si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.