DIGITAL RISE PROGRAM NG DEPED AALALAY SA MGA ESTUDYANTE
/ 10 September 2020
BUKOD sa mga pinasimpleng module, inilunsad ng Department of Education ang Digital Rise Program.
Ang nasabing programa ay inaasahang aalalay sa mga lmag-aaral upang higit na matuto sa kanilang aralin gamit ang teknolohiya.
Sa anunsiyo ng DepEd, ang Digital Rise Program ay isang teknolohiya ng pag-aaral para sa mas epektibong paghahatid ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Sa nasabing paraan ay makakasabay ang mga learner sa new normal o mga pagbabagong hatid ng modernong panahon.
Inaasahan na ang nasabing programa ay agad magiging pamilyar sa mga guro para ang kaalaman ay maisalin naman sa kanilang mga estudyante.