Nation

DIGITAL EDUCATION ISINUSULONG SA KONGRESO

/ 1 September 2020

SA GITNA ng pandemya at pagpapalit ng sistema ng pag-aaral sa bansa ay isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasabatas ng Digital Education.

Sa House Bill 7380 o ang proposed Digital Education Act, binigyang-diin ni Siquijor Rep. Jake Vincent Villa na nagiging bahagi na ng normal ang social distancing at work from home arrangements.

“With the advent of digital age and rapid development of technologies, the national government can take advantage of this situation to ensure quality basic education and learning for the entire country,” pahayag ni Villa sa kanyang explanatory note.

Layon ng panukala na maipatupad sa basic education ang digital education na madaling ma-access sa pamamagitan ng digital platforms at technologies.

Kabilang dito ang paggamit ng  television stations, websites at mobile apps.

Alinsunod sa panukala, bubuo ng mga ready-to-learn television programming na madali ring mailagay sa iba pang technological platform.

Nakasaad din sa panukala na bibigyang kapangyarihan ang Department of Education na pumasok sa mga kontrata o cooperative agreements sa mga kuwalipikadong television at broadcasting entities para sa pagpapalabas ng educational at instructional video programming para sa pre-school at elementary school children.