DICT MAY LIBRENG WEBINAR PARA KINA LOLO AT LOLA
MAGSASAGAWA ang Department of Information and Communications Technology ng libreng webinar para sa mga lolo at lola upang magabayan nila ang kanilang mga apo sa distance learning.
MAGSASAGAWA ang Department of Information and Communications Technology ng libreng webinar para sa mga lolo at lola upang magabayan nila ang kanilang mga apo sa distance learning.
Sa isang Facebook post, sinabi ng DICT na layunin ng webinar na mabigyan ng kaalaman sa digital literacy ang mga senior citizen upang matulungan nila ang kanilang mga apo sa online learning.
“Calling all Senior Citizens, mga lolo, lola, pati na po ang mga nag-aalaga ng apo nila during this new normal way of schooling,” pahayag ng DICT.
Ang webinar na pinamagatang ‘Digital Literacy for Senior Citizens’ ay gaganapin sa Nobyembre 25 at 26, alas-2 ng hapon.
Kasama rin sa tatalakayin sa webinar ang Digital Parenting in the New Normal at Introduction to Virtual Communication. Magkakaroon din ng hands-on activities.
Bago sumali ay kailangang may Google meet at stable internet connection. Maaaring mag-register sa http://bit.ly/DICT_DLSCP2020.