‘DI LAHAT NG STUDENT ACTIVISTS AY REBELDING NPA — LAWMAKERS
UMALMA sina Senador Kiko Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros sa ipinalabas na video ng Department of the Interior and Local Government at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pagdinig ng Senado sa usapin ng red tagging.
Sa video footages, ipinakita ang ilang miyembro ng mga student organization na naging miyembro ng New People’s Army at kinalaunan ay napatay sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahlaan.
Sa kanyang pahayag, ipinaalala ni Pangilinan na hindi lahat ng aktibistang estudyante ay nagiging miyembro ng NPA.
“It may be true to a certain extent, that may be partly true but it is not the whole truth. Senator Risa Hontiveros and myself, we were both student activists, we were both student leaders during the Marcos regime. We are both senators today,” diin ni Pangilinan.
“The simplistic, sweeping generalization… I feel is presenting half truths up to a certain extent. It is also true that not all student activists become NPA,” dagdag ng senador.
Pinuna naman ni Hontiveros ang pagpapalabas ng video na may mga larawan at pangalan ng ilang student activists na napatay.
“Speaking as a mother, tama po ba talaga, Mr. Chairman, na magpakita tayo ng ganyang mga video tungkol sa mga bata, mga anak ng mga magulang, who are now dead and cannot speak for themselves?” sabi ni Hontiveros.
Nilinaw naman ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, na bahagi lamang ng pag-uusapan ang naturang mga video.
“This is part of the discussion. This is part of the red-tagging issue raised against the Armed Forces of the Philippines and they’re here to present their side of the issue,” paliwanag ni Lacson.
Sinabi ni Lacson na nauunawaan niya ang pag-aalala ni Hontiveros subalit dapat din itong maging babala sa mga magulang.
“Mainam na ring napapaalalahanan ang mga magulang na tingnan ang kapakanan ng kanilang mga anak, na huwag nilang pabayaan na ma-expose sa… kung totoo man ang mga video na ipinakita,” pahayag ni Lacson.