‘DI KAILANGANG I-SWAB TEST ANG MGA BATA — DEPED
TINUTULAN ni Education Secretary Leonor Briones ang pagsasailalim sa swab test sa mga batang papasok sa eskuwelahan para sa pilot run ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Briones, hindi ito kailangan dahil magiging ‘traumatic’ ito sa mga bata.
“What we also know… undergoing it ourselves, the process of testing can be quite traumatic, especially ‘yung tutusukin ang ilong mo. It’s not the most pleasant experience,” ayon kay Briones.
Sinabi naman ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma na hindi inirerekomenda ng Department of Health ang swab test para sa mga bata.
“We cannot really imagine the small children undergoing the swab test kasi very traumatic, I mean even for us adults mahirap,” paliwanag ni Garma.
Pero, aniya, susundin pa rin ang protocol para sa mga estudyante na may sintomas ng Covid19.
“Automatic kapag nag-symptom ang bata, the usual protocol of isolation and contact tracing will be undertaken,” ani Garma.