Nation

DEPED TV MATERIALS PANG-WORLD CLASS — SENADOR

/ 29 November 2020

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang publiko na suportahan at panoorin ang mga learning video material ng Department of Education sa YouTube na inilarawan nitong pang-world class.

“I took a look at your DepEd TV YouTube. I have to commend DepEd, that is very good high quality material, ang ganda ng material. It’s not made out of your backyard. It is really world class,” pahayag ni Gatchalian.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na kapuna-puna na bagama’t nasa halos 23 milyon ang mga estudyante ngayong Academic Year 2020-2021, nasa 59,000 lamang ang subscriber sa naturang channel.

Napuna rin ng senador na ang pinaka-popular na materyales ng DepEd TV sa ngayon ay ang isang video para sa Grade 1 students na nagkaroon ng 50,000 views.

“We are not maximizing this high quality materials,” dagdag ni Gatchalian.

Sinabi naman ni Senadora Nancy Binay na posibleng isa sa problema ay ang kakulangan ng DepEd sa promosyon.

“Baka kulang din sila sa promotions, baka it’s one aspect na hindi natututukan. Maybe they can work with Presidential Communications and Operations Office and other government agencies to spread the word na may ganitong youtube chnnel,” diin ni Binay.

Tiniyak naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ikokonsidera ang payo ni Binay para sa promosyon.

Kasabay nito, umapela si Malaluna sa publiko na bigyan din ng atensiyon ang magaganda nilang materyales at huwag lamang tutukan ang iilang pagkakamali sa ilang self-learning modules.