DEPED TATANGGAP PA NG LATE ENROLLEES
INIHAYAG ng Department of Education na tatanggap pa sila ng late enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre.
“We will allow late enrollees as long as they will be able to enroll and meet ‘yung 80 percent of school days,” wika ni DepEd spokesperson Michael Poa sa pulong balitaan sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.
Ayon sa Department Order No. Series of 2018, tatanggapin pa rin ang mga late enrollees na makapag-enrol hanggang kaya nilang ma-meet ang 80 porsiyento ng itinakdang numero ng school days para sa school year.
“So, ibig sabihin po nun as long as may matitira 80 percent dun sa school days nila papayagan pa rin silang mag-enrol,” ani Poa.
“Ganon pa man hinikikayat po natin yung ating mga magulang na i-enrol na po ang mga bata sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya.
Ayon sa huling datos mula sa Learner Information System para sa School Year 2022-2023 nitong Agosto 22, 2022, nasa 28,035,042 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong mag-aaral.
Ito ay katumbas ng 101.72 percent o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng School Year 2021-2022.
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,826,697 na sinusundan ng Region III (2,903,610), at NCR (2,717,755).
Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,905,615 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.
Bagaman maaaring nagkaroon ng duplikasyon mula sa datos ng early registration at quick counts, ito ay matutukoy ng sistema sa umpisa ng school year.