DEPED: REKLAMO SA BULLYING UMABOT SA 78
PUMALO na sa 78 ang bilang ng mga reklamong naisampa sa Learner Rights Protection Office mula nang ilunsad ito noong Nobyembre hanggang Disyembre 24, 2022, ayon sa Department of Education.
“We had an additional 78 complaints filed through various means— meaning through email, through Facebook chats, and also through phone calls,” ani DepEd spokesperson Michael Poa.
“I am now asking for data because we will be monitoring kung gaano kabilis naman ‘yung resolution natin dito,” dagdag pa niya.
Hinikayat ni Poa ang publiko na i-report sa kagawaran ang ano mang uri ng pang-aabuso at karahasan sa mga mag-aaral.
“Nire-remind natin ‘yung publiko na meron tayong LRPO hotlines, hindi lang sa phone, pati sa email at Facebook and they can contact us para mag-report ng ganitong abuses,” ani Poa.
“Importante po talaga na magkaroon tayo ng open channel o medium for them to report kasi ang problema noon nahihirapan silang mag-report,” dagdag pa niya.
Aniya, karamihan sa mga nare-report sa kanila ay mga insidente ng bullying.
“Hopefully by the end of January meron na naman tayo another round of reports para ma-compare natin kung effective yung ating hotlines at kung dumami yung nagkaroon ng access to report this incidence,” pagtatapos niya.