DEPED PINALITAN ANG ISANG SALITA SA ‘PANATANG MAKABAYAN’
PINALITAN ng Department of Education ang isang salita sa “Panatang Makabayan” alinsunod sa rekomendasyon ng mga eksperto at linggwista.
PINALITAN ng Department of Education ang isang salita sa “Panatang Makabayan” alinsunod sa rekomendasyon ng mga eksperto at linggwista.
Sa ilalim ng Department Order No. 4, na inilabas noong Martes, ang salitang “nagdarasal” ay pinalitan ng “nananalangin.”
Ayon sa DepEd, sinabi ng mga eksperto at linggwista na ang salitang “nananalangin” ay “well-written, sufficiently rationalized, more inclusive, more solemn, well thought of and extensively researched.”
“With these consultations, OUCT (Office of the Undersecretary for Curriculum and Teaching) recommended that nananalangin be used instead of nagdarasal primarily because the ‘nanalangin’ is inherent and integral in Filipino identities as it is rooted in Tagalog,” ayon sa DepEd.
“Likewise, it is more inclusive and appropriate as it does not refer to or specify religions, and at the same time, it encompasses indigenous belief systems,” dagdag pa nito.
Karaniwang binibigkas ang Panatang Makabayan sa flag ceremony at bahagi ng pang-araw-araw na programa sa aktibidad ng paaralan sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at DepEd offices.