Nation

DEPED PINAKIKILOS PARA MAPATAAS ANG ENROLLEES

/ 19 August 2020

HINIMOK ni House Committee on Basic Education and Culture Chairperson at Pasig City Rep. Roman Romulo ang mga paaralan na paigtingin pa ang kanilang hakbangin upang mapataas ang bilang ng kanilang mga enrollees.

Sinabi ng kongresista na dapat mahikayat ang mga magulang na gamitin ang anim na linggong delay sa pagsisimula ng klase upang maipalista ang kanilang mga anak para sa academic school year 2020-2021.

“We would also encourage schools to find ways to accommodate all late enrollees, so that we lessen the number of children at risk of falling behind in their learning,” pahayag ni Romulo.

Sa tala ng DepEd, nasa apat na milyong estudyante noong isang taon ang hindi pa nakapag-eenroll, kabilang na ang 2.75 milyon mula sa pribadong paaralan at 1.25 milyon sa pampublikong eskuwelahan.

Umaasa rin ang mambabatas na sa pag-uurong ng pagbubukas ng klase ay mapaplantsa na ng DepEd ang lahat ng mga gusot sa kanilang paghahanda.

‘We are also counting on the DepEd to use the rescheduling to further improve the school system’s overall readiness in administering the shift to blended remote learning. In fact, the DepEd should review the curriculum it has prepared to ensure its suitability to the new methods of studying,” pagdiiin ni Romulo.