Nation

DEPED PINAG-IINGAT SA PAG-EMPLEYO NG MGA GURO

/ 2 October 2020

SUPORTADO ni Senador Leila de Lima ang panawagan sa Department of Education ng kanyang mga kasamahan na agad nang punan ang mahigit 55,000 bakanteng posisyon sa ahensiya kasama na ang 34,000 teaching positions.

Sinabi ni De Lima na libo-libong mga guro mula sa pribadong paaralan ang nawalan ng trabaho at dapat lamang na mabigyan sila ng bagong oportunidad.

“Marapat lang na mabigyan sila ng pagkakataon na muling makapagturo at makapaghanapbuhay. These vacancies have to be filled as soon as possible,” pahayag ni De Lima.

Gayunman, nagpaalala si De Lima na dapat mag-ingat ang DepEd sa pagkuha ng mga guro para lamang sa implementasyon ng blended learning dahil maaari rin itong magdulot ng problema dahil sa tinawag nitong ‘inherent unpredictability’ ng sitwasyon.

“This is why I laud the DepEd’s innovative plan to hire para-teachers to assist distance learners with their lessons,” dagdag ng senadora.

Ipinaliwanag ng lady senator na malaking tulog ang para-teachers upang magabayan ang mga magulang sa epektibong pag-aaral ng mga estudyante.

“The DepEd may be on to something here. Kudos to them for thinking outside the box and heeding the concerns of millions of parents and guardians who need help teaching their children,” papuri pa ni De Lima.

Kasabay nito, hinimok ng nakakulong na senadora ang kanyang mga kasamahan na busisiing maigi ang bawat detalye ng panukalang budget ng DepEd at tiyaking magagamit ang pondo sa pangangailangan hindi lamang ng mga estudyante kung hindi maging ng mga guro.

“Let us ensure that DepEd can stay true to its word that, indeed, no child will be left behind,” diin pa ng mambabatas.