DEPED PINABUBUO NG CATCH UP PLAN
HINIMOK ni Senador Richard Gordon ang Department of Education na bumalangkas ng catch up plan upang tulungan ang mga estudyante na makahabol sa mga dapat nilang matutunan sa gitna ng Covid19 pandemic.
Sinabi ni Gordon na dapat ay may master plan ang DepEd na tutulong sa mga estudyante sa sandaling maibalik na ang face-to-face classes.
Tinukoy pa ni Gordon ang survey ng Pulse Asia na nagpapakita na 46 percent lamang ng mga magulang ang naniniwala na may natututunan ang kanilang mga anak sa ilalim ng distance learning system.
“Is there such a plan? I do would like to have a copy of that plan where we can see the vision of that plan and whether it is doable,” pahayag ni Gordon.
Samantala, nangako si Senate finance committee vice chairperson Sen. Pia Cayetano na magsusumite ang DepEd ng kopya ng kanilang Basic Education Development Plan 2030.
Sinabi ni Cayetano na ang plano ay may layuning maisaayos ang sistema sa edukasyon at maibigay pa rin ang dekalidad na pagtuturo sa mga estudyanteng Pinoy.