Nation

DEPED PALPAK SA PAGHAHANDA PARA SA NEW NORMAL EDUCATION — TEACHERS’ GROUP

/ 16 August 2020

SINABI  ng mga stakeholder  na ang pag-uurong sa pagbubukas ng klase ay malinaw na indikasyon na bigo ang Department of Education na maglunsad ng dekalidad na edukasyon.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio, hindi handa ang DepEd para sana sa Agosto 24 na itinakdang araw ng pasukah para sa school year 2020-2021.

“Malawakang kapalpakan ng Department  of Education at ng pamahalaang Duterte na ibigay ‘yung mga kinakailangan na paghahanda,” sabi ni Basilio.

Sinuportahan naman ito ni Quezon City Public School Teachers Association president Kris Navales.

“‘Yung postponement na ibinalita kahapon (Biyernes) ni Secretary Briones ay pag-amin mula sa ating gobyerno na kapabayaan nito na ihanda ‘yung mga pag-delivet ng ligtas, dekalidad at accessible na edukasyon sa gitna ng pandemya,” pagbibigay-diin ni Navales.

Subalit sinabi rin niya  na “nabunutan ng kaunting tinik ang mga guro” dahil sa pag-uurong ng klase.