DEPED: PAG-AARAL, SUBSIDIYA NG DISPLACED SHS LEARNERS TULOY
PINAWI ng Department of Education ang pangamba ng mga magulang ng mga apektadong estudyante sa pagpapatigil sa senior high school program sa state universities and colleges at local universities and colleges.
PINAWI ng Department of Education ang pangamba ng mga magulang ng mga apektadong estudyante sa pagpapatigil sa senior high school program sa state universities and colleges at local universities and colleges.
Ito, ayon kay Education Assistant Secretary Francis Bringas, ay dahil may mga hakbang na silang ginagawa para sa mahigit 17,500 estudyante, gaya ng paghahanap ng mga paaralan, pribado man o pumpubliko, upang makapag-transfer ang mga ito.
Tiniyak din ng DepEd official na patuloy na magagamit ng mga apektadong estudyante ang voucher program.
Ang voucher program ng DepEd ay ayuda sa mga estudyanteng nag-aral sa pampublikong paaralan na lilipat sa pribadong eskuwelahanx
Aniya, sakaling lumipat ng paaralan ang isang estudyante na kasama sa voucher program ay magagamit pa rin ito at wala namang mababago.
“In the event na lilipat sila sa iba next school year kung sila ay lilipat sa private school, maaari pa nilang gamitin ang kanilang voucher with the different amount kapag sa private lumipat, kapag sa public, alam naman nating free, so they (students) don’t need to use voucher,” ayon kay Bringas.
Paglilinaw pa ni niya, hindi full scholarship ang voucher program kundi ayuda ito sa mga mag-aaral at sa kanilang mga guadian.