DEPED: MID-YEAR BREAK SA PUBLIC SCHOOLS SA PEB 6-10
ITINAKDA ng Department of Education ang limang araw na mid-year break sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong Pebrero, batay sa school calendar na inilabas ng ahensiya para sa School Year 2022-2023.

Tulad ng nakasaad sa DepEd Order No. 34 series of 2022 o ang School Calendar and Activities for the School Year 2022-2023, magkakaroon ng mid-year break sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa mula Pebrero 6 hanggang 10.
Para sa school year na ito, isasagawa ang Midyear Performance Review and Evaluation at In-Service Training sa mid-year break
Ang INSET ay isang modalidad ng propesyonal na pag-unlad na naglalayong patuloy na paunlarin at paghusayin ang kakayahan ng mga guro at mga pinuno ng paaralan sa pamamagitan ng pormal o impormal na professional development activities na idinisenyo sa mga partikular na layunin sa pag-unlad na may kaugnayan sa trabaho.
Pagkatapos ng mid-year break, ang Parent-Teacher conferences at ang pamamahagi ng mga report card ay naka-iskedyul sa Pebrero 18.
Sa conference, tatalakayin ng mga magulang at guro ang academic progress at social behavior ng mga estudyante.