Nation

DEPED MARAMI PANG PAGKUKULANG SA PAGBUBUKAS NG KLASE — TDC

/ 26 September 2020

MULING binatikos ng Teachers’ Dignity Coalition ang Department of Education sa pagsasabing handang-handa na ito sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Ayon kay TDC national chairperson Benjo Basas, marami pang pagkukulang kaya  hindi magi-ging maayos ang pagbubukas ng klase dahil sila mismong mga guro bilang mga frontliner ay nakikita nila ang tunay na suliranin sa edukasyon.

“Ayon sa DepEd, nakahanda umano sila sa pagbubukas ng klase noon pang August 24 at hindi lamang naituloy ito sapagkat nasailalim sa MECQ [Modified Enhanced Community Quarantine] ang NCR [National Capital Region] at mga karatig-probinsiya. Ngayong iniurong sa October 5 ang pasukan, marami tayong natuklasang pagkukulang,” pahayag ni Basas.

“Mukhang ang mga guro lang ang handa- handang ipain, ibala, isangkalan ng ating kaga-waran.Tandaan, lahat ng pagkukulang ng DepEd- sa badyet, sa polisiya, sa materyales, sa ugnayan sa magulang, sa modules, sa internet at sa lahat-lahat, tayong mga teachers ang mag-pupuno. Tayo ang magdudugtong,” dagdag ni Basas.

Kamakailan lang ay hinimok ng grupo ang pamunuan ng Kagawaran na ipatigil muna ang produksiyon ng modules na gagamitin sa distance learning modality ngayong taong pampaar-alan.

Sinabi ni Basas na kailangang mapag-aralan munang mabuti at masuri ang praktikalidad ng paggamit ng modules bago ituloy ang produksiyon nito.

“Sinasabi ng DepEd na handang-handa na sila sa pasukan pero iba ang mga ulat na nakakarating sa atin, ang mga nakikita natin at ang araw-araw na dinaranas ng ating mga guro sa field. Malinaw po na hindi pa nakahanda sa pasukan kung ang modules ang pagbabatayan,” sabi ni Basas.