Nation

DEPED MAGBIBIGAY NG INCENTIVE SA MGA GURONG MAGPAPABAKUNA

/ 20 October 2021

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Education kung anong klaseng incentive ang maaari nilang ibigay sa mga gurong magpapabakuna laban sa Covid19.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, bumuo ng komite si Education Secretary Leonor Briones para tingnan kung anong klaseng incentive package ang puwede nilang ibigay sa mga gurong magpapabakuna.

“The Secretary had actually created a committee headed to really look to either monetary or non-monetary incentive package for our teachers,” sabi ni Garma sa isang virtual press briefing Martes ng hapon.

Sinabi naman ni Briones na may mga local government unit na nagpapa-raffle ng cash, gadget, kotse o di kaya’y house and lot bilang reward sa mga gurong nagpabakuna.

“May mga agencies na big time ‘yung pa-raffle nila. Very fortunate ang ating sector na maraming nagmamahal sa mga teachers,” ani Briones.

Ngunit sinabi ng kalihim na kung magbibigay ng incentive, dapat lahat ng mga gurong nagpabakuna ay mabigyan, kahit ‘yung mga naunang nagpabukana.

“So planuhin natin ‘yan nang husto. Pero right now regular, meron silang incentives, maliban pa sa incentives ng mga local government,” dagdag ni Briones.