DEPED KUMPIYANSANG MAAABOT ANG TARGET NA 28.8 MILYONG ENROLLMENT
TIWALA ang Department of Education na maaabot pa rin nito ang target na 28.8 milyong enrollment bagama’t itinigil na nito ang quick count reporting.
Ayon kay DepEd Assistant Secretar Francis Bringas, nag-shift na ang kagawaran sa pagsisimula ng school year reporting.
“Today we have already opened our LIS (Learner Information System) for the beginning of school year input or upload. So, ibig sabihin na-cut na iyong reporting natin for quick count,” wika ni Bringas sa panayam ng PTV4.
“So, kung ano iyong last na reported number natin, that 26.9 million enrollees for both public and private including Alternative Learning System, na-cut na iyong reporting natin ng quick count because we have already shifted to the reporting beginning of school year report from which we will be getting the official enrollment for this year,” dagdag pa niya.
Ani Bringas, tiwala pa rin syang maaabot ang nasabing bilang ng mga estudyanteng nag-enroll ngayong school year bagama’t kulang pa rin ito nang halos dalawang milyon.
Sa pinakahuling tala ng DepEd, nasa 26.9 milyon pa lang ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll ngayong school year.
“We are confident na makakapag-reach pa rin tayo ng close to the number that we had last year kasi doon sa ating pag-cut ng ating quick count, mayroon pa tayong several or a number of school in several region na hindi pa nakapag-upload ng kanilang quick count report,” ani Bringas.
“Since nakapag-shift na tayo into the beginning of school year, mawawala na, hindi na sila makakapag-report ng quick count. But we are confident that we will be recovering those numbers by the time na matapos natin iyong ating encoding system ng ating beginning of school year report,” dagdag pa nya.
Nasa 28.4 milyong mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang nag-enroll noong nakaraang school year.