Nation

DEPED KUKUHA NG 10,000 GURO SA 2023

PLANO ng Department of Education na mag-hire ng 10,000 teachers sa 2023, ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa.

/ 4 September 2022

PLANO ng Department of Education na mag-hire ng 10,000 teachers sa 2023, ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa.

Pinaalalahanan ng DepEd ang mga eskwelahan, sa pamamagitan ng Memorandum 76 nito, na punan ang kanilang mga bakante upang magkaroon ng sapat na workforce ang mga guro sa School Year 2022-2023.

“Gusto lang natin paalalahanan ang ating mga paaralan na to fill up na ‘yung ating mga teaching positions. Kung ilan ‘yung planong i-hire, next year we are planning – at least as far as the budget is concerned –we are planning to hire 10,000 teachers. As to ‘yung sa kailangan, I don’t have the exact figures right now but next year definitely, we aim to hire 10,000 teachers,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Poa na kumpiyansa ang DepEd na matatapos ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.

Aniya, ang mga hindi natapos na silid-aralan ay dahil sa Covid19 lockdown.

“Noong 2021, marami kasing naging problema. Hindi na-utilize ‘yung budget fully because nagkaroon talaga ng problema nung pandemya due to the several lockdowns hindi natutuloy ‘yung construction,” sabi ni Poa.

“Confident naman kami na matatayo namin ‘yung mga classrooms na gusto naming itayo as planned per budget,” dagdag pa niya.