Nation

DEPED DAPAT MATUTO SA MGA PAGKAKAMALI SA DISTANCE LEARNING — GATCHALIAN

/ 29 August 2021

HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education na pagbatayan ang mga naging pagkakamali sa ipinatupad na distance learning nitong nakaraang school year upang maisaayos ang susunod na school year.

Sinabi ni Gatchalian na dapat matuto ang ahensiya sa mga naging pagkakamali upang mas mapagbuti ang patuloy na pagpapatupad ng distance learning.

“We have learned so much during the last school year. We made a lot of mistakes, admittedly. We have mistakes on logistics, we have mistakes on modules themselves, we have challenges in different parts of the country. But the most important part is we learn from those mistakes and, hopefully, we have corrected those mistakes to prepare ourselves for this school opening,” pahayag ni Gatchalian.

Pinapurihan naman ng senador ang DepEd sa pagbubukas pa rin ng SY 2020-2021 sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng distance learning modality.

Gayunman, iginiit ng senador na naging malaking hamon ito dahil karamihan sa mga estudyante ay walang gadgets at wala ring access sa internet.

Bukod pa ito sa reyalidad na marami sa mga magulang ang hindi handa sa distance learning modality.

Una nang nagbabala si Gatchalian sa posibilidad na bumaba ang pagkatuto ng mga estudyante dahil sa sistemang ipinatutupad at iginiit pa rin ang pagdaraos ng face-to-face classes.