DEPED COMPLEX SA PASIG CITY SWAK SA 5-DAY LOCKDOWN
DAHIL sa dumaraming kaso ng Covid19 ay isinailalim ng Department of Education sa limang araw na lockdown ang central office nito sa Pasig City simula ngayong araw ng Miyerkoles, Agosto 19, 2020.
DAHIL sa dumaraming kaso ng Covid19 ay isinailalim ng Department of Education sa limang araw na lockdown ang central office nito sa Pasig City simula ngayong araw ng Miyerkoles, Agosto 19, 2020.
“With the concurrence from the Secretary, the DepEd Task Force Covid19 is placing the entire DepEd complex on lockdown for five days from August 19 to 23, 2020,” ayon sa memoradum na ipinalabas ng ahensya kamakalawa.
“This is consistent with the approved Operational Guidelines on the Application of Zoning Containment Strategy in the Localization of the National Action Plan against Covid19 response [per the National Task Force Covid19 Memorandum Circular No. 2, s. 2020 dated 15 June 2020], which provides for the declaration of a lockdown in geographic unit such as the central office if at least one cluster of cases composed of either a suspect, probable and/or confirmed Covid19, where the individuals identified as such have been physically reporting to the central office for the past 14 days,” dagdag na pahayag ng memorandum.
Ayon sa Kagawaran, mayroong dalawang suspect cases at isang probable case ang umano’y pisikal na nagre-report sa trabaho sa nakalipas na dalawang linggo.
Nakasaad sa nasabing memorandum na magwo-work from home lamang ang lahat ng mga kawani at hindi maaaring lumabas ng kanilang mga tahanan.
Sinabi pa ng DepEd na ang klinika ng kanilang central office ay patuloy na magsasagawa ng contact tracing sa mga contacts ng mga suspect, probable at confirmed cases ng Covid19 sa central office. Pinapayuhan din ang mga close contact na i-isolate ang kanilang mga sarili sa pamilya nila at i-monitor ang kanilang kalusugan sa mga posibleng simtomas.
Dagdag pa ng ahensya na idi-disinfect ang buong complex mula Agosto 21 hanggang Agosto 23 bago ibalik ang physical work sa Agosto 24.
Hiniling kamakailan ng grupo ng mga non-teaching personnel sa pamunuan ng ahensya na pansamantalang isara muna ang central office upang ma-disinfect ang lugar kung saan dalawa na umano sa mga empleyado ang nasawi dahil sa Covid19.
“Nakikiusap po kami na i-lockdown muna for 14 days ang central office para ma-contain ang pagkalat ng virus at hindi na mahawaan pa ang ibang skeletal workforce personnel na nagre-report physically,” sabi ni Atty. Domingo Alidon, pangulo ng DepEd National Employees’ Union sa isang eklusibong panayam ng The POST.
Bago iyan ay nagsumite ng liham ang grupo sa pamunuan ng DepEd na isailalim sa 14-day lockdown ang central office dahil sa patuloy umano na pagdami ng kaso ng Covid19 sa lugar.
“In the light of the increasing numbers of personnel infected of Covid19 in the central office, we humbly ask for its lockdown for at least 14 days to give way for the complete disinfection of DepEd central office premises,” sabi ni Alidon.
Samantala, patuloy pa ring inaalam ng DepEd kung ilan lahat sa mga teacher at non-teaching personnel ang nahawaan na ng Covid19.