Nation

DEPED, CHED DAPAT MAG-ADJUST SA CASH BUDGETING SYSTEM — SOLON

/ 2 January 2021

NANINIWALA si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na kailangang pag-aralan ng Department of Education at ng Commission on Higher Education na mag-adjust sa kanilang pagba-budget na pasok sa fiscal year.

Reaksiyon ito ni Castro sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang probisyon sa 2021 General Appropriations Act kaugnay sa exemption ng DepEd at CHED sa cash budgeting system.

Aminado ang kongresista na may mga programa ang DepEd at CHED na hindi kayang tapusin  sa loob ng fiscal year dahil iba ang sistema sa academic year.

“There are programs that need to finish for more than a fiscal year like school buildings and the like. There should be a case to case basis of the use of cash based budgeting. There should be a thorough study on these projects,” paliwanag ni Castro sa The POST..

Sa mga nakaraang budget hearings ng Senado at Kamara, tinalakay ang epekto ng cash budgeting sa scholarship programs ng DepEd at CHED.

Ang academic year ay kadalasang nagsisimula ng Hunyo at natatapos ng Marso o Abril ng susunod na taon kaya nagiging kumplikado sa fiscal year na isang buong taon lamang ang sakop.

Samantala, sinabi ni Castro na kailangan ding pag-aralan ng DepEd at CHED ang pagba-budget na matatapos sa fiscal year.

“Sa kabilang banda naman, dapat ding mag-budget ang DepEd ng projects na matatapos within fiscal year. Sayang kasi minsan hindi nagagamit ang budget na na-approve,” diin ni Castro.