DEPED BUKAS SA REPORMA SA NATIONAL LEARNING RECOVERY PROGRAM
BUKAS si Education Secretary Sonny Angara sa mga irerekomendang reporma ng Senate Committee on Basic Education kaugnay sa implementasyon nila ng National Learning Recovery Program.
BUKAS si Education Secretary Sonny Angara sa mga irerekomendang reporma ng Senate Committee on Basic Education kaugnay sa implementasyon nila ng National Learning Recovery Program.
Aminado si Angara na sa ngayon ay walang paraan upang masukat ang effectivity ng programa na mahalaga upang matukoy ang mga dapat baguhin sa implementasyon nito.
Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan ng malawakang reporma sa programa.
Kasunod ito ng puna ni EDCOM 2 Executive Director, Dr. Karlo Mark Yee sa mga butas sa pagpapatupad ng, Catch Up Fridays na isa sa bahagi ng National Learning Recovery Program.
Binigyang-diin ni Yee na marami sa mga guro ang nagrereklamo ng kawalan ng pagsasanay, kakulangan ng lesson guides at kawalan ng learning resources sa implementasyon ng programa.
Hindi rin, aniya, maayos ang targeting ng programa kaya hindi nagiging epektibo ang mekanismo nito na makahabol ang mga batang napag-iiwanan sa mga leksiyon.
Tinukoy rin ang kawalan ng malinaw na policy guideline para sa National Mathematics Program at National Science and Technology Program kaya hindi rin ito naipatutupad.