DEPED BUDGET SA SUSUNOD NA TAON TUMAAS NG P53-B
TUMAAS ng P53-billion o 9.54 percent ang budget ng Department of Education para sa taong 2021 na may P605.74 billion kumpara sa budget ngayong taon na P552.99-billion lamang.
Umabot naman sa P475-million ang budget para sa salaries, benefits at allowances sa mga empleyado para sa susunod na taon, o tumaas ito ng 13.54 percent kumpara sa P418-million ngayong taon.
Tumaas din 3.49 percent ang budget sa maintenance and other operating expenses mula P94.9-million ngayong taon ay P98.3-million na sa susunod na taon.
Samantala, ‘yung capital outlay naman —ito ‘yung mga bagong classroom, pag-repair at ‘yung mga equipment— ay bumaba ng 18 percent mula P39.6-million ngayong taon ay magiging P32.4-million na lamang sa susunod na taon.
Ilan sa mga programa na may mataas alokasyon sa susunod na taon ay ang textbooks at ibang instructional materials (P963-million), computerization program (P8,996-million), madrasah education (P347-million), learning tools and equipment (P2,719-million), flexible learning options (P15,216-million), at new school personnel positions (P2,426-million).
Yung mga programa naman na may mababang alokasyon ay ang last mile school na may P1.5 million budget lamang, indigenous peoples education program (P51-million), government assistance and subsidies (P26,268-million), administration of personnel bemefits (P293-million) habang walang nakalaang budget para sa school dental heath care program sa susunod na taon.
Bumaba rin ang budget sa basic education facilities na may P24,147-million lamang, school maintenance and operating expenses (P27,816-million), school-based feeding program (P5,975-million), habang ang human resource development ay may P1,888-million lamang para sa susunod na taon.
Sinabi ng DepEd na hihilingin nila sa Department of Budget and Management na dagdagan ang budget para sa last mile school program dahil isa ito sa mga priority programs ng kasalukuyang administrasyon.