DEPED-7 HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG SY 2021-2022
NAKAHANDA na ang Department of Education Region 7 sa pagsisimula ng School Year 2021-2022.
Ayon kay Salustiano Jimenez, direktor ng DepEd-7, positibo siya na magiging maayos ang darating na pasukan dahil nagawa nila ito noong nakaraang taon sa gitna ng hamon ng pandemya.
Sinabi ni Jimenez na mula noong Hulyo, 19 na dibisyon ng paaralan sa rehiyon ang naghahanda na ng kanilang mga module, kasama ang iba pang mga modalidad sa pag-aaral na nagsisimula sa unang isang-kapat.
Dagdag pa niya, hindi na nakikita bilang isang problema ang pag-print ng mga module.
Samantala, nanawagan si Jimenez sa mga magulang at estudyante na magpa-enroll na. Aniya, kulang pa ng 600,000 na enrollees upang makamit ang target na bilang ng mga estudyante.
Sa opisyal na tala ng DepEd, may mahigit isang milyong enrollees ang rehiyon mula sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan.
Nakatakdang magsimula ang klase sa mga pampublikong eskwelahan sa Setyembre 13.