DEPED: 304 ISKUL HANDA NANG LUMAHOK SA EXPANSION PHASE NG F2F CLASSES
NASA 304 public schools sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ang nakahandang lumahok sa expansion phase ng face-to-face classes, ayon sa Department of Education.
NASA 304 public schools sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ang nakahandang lumahok sa expansion phase ng face-to-face classes, ayon sa Department of Education.
Sa isang virtual press conference, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na may 6,347 public schools ang sumailalim sa assessment at itinuturing na handa nang mapabilang sa expansion phase ng limited face-to-face classes.
Gayunman, sinabi niya na nasa 304 public schools ang nakahandang magsimula para sa pagpapatupad ng limited in-person classes dahil ang mga ito ay matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Sa naturang mga eskuwelahan, 12 ang nasa Region 2; 106 sa Region 3; 54 sa Region IV-A; 9 sa Region VIII; at 123 sa National Capital Region.
Ayon kay Garma, malayang makapagdedesisyon ang mga regional director sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes.
“‘Yun pong mga regional directors natin batay po dun sa kautusan na ibinaba natin, hindi na ho kailangan ng go signal from the Central Office basta ho ‘yung ating mga eskuwelahan na qualified na base on the SSAT [school’s safety assessment tool],” sabi ni Garma.
Bukod sa limited face-to-face classes, sinabi ni Garma na palalawigin din ang mga antas na magsasagawa ng in-person classes.
“Ang ibig pong sabihin nito ang atin pong limited face-to-face classes will cover Kinder to Grade 12,” dagda pa ni Garma.