DEADLINE SA PAGSUSUMITE NG SCHOLARSHIP APPLICATIONS SA PASIG EXTENDED
SINABI ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na extended pa ang deadline ng pagpapasa ng applications para sa Pasig City Scholarship Program hanggang September 28, 2020.
“Paalala para sa applicants na 18-anyos pataas, maaaring ipasa ang Certificate of Voter Registration anytime within the school year,” pahayag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Sotto, ang applications ay mai-evaluate at maipoproseso pa rin kahit wala ang dokumentong ito.
“Huwag po tayong magmadaling magparehistro sa COMELEC [Commission on Elections] sa panahon na ito upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa nasabing tanggapan, lalo pa ngayon na panahon ng pandemya,” wika ni Sotto.
Sinabi kamakailan ng alkalde na mahigit 18,000 estudyante ang mga iskolar ng lungsod para sa taong ito.
“Para ‘di sayang ‘yung post isingit ko na rin nasa record number of 18,000 scholars tayo para sa school year 2020-2021. Sakto lang kasi marami talagang nangangailangan ngayong panahon ng krisis,” pahayag pa ni Sotto.
Ayon pa sa alkalde, pinalawig ng lokal na pamahalaan ang pondo para sa scholarship upang maabot ang 3,000 indigent students mula sa private schools.
“Extension of our scholarship program to private schools [students] that are having financial difficulties during this pandemic [the schools will identify a certain number of scholars each, totaling around 3,000 students].”