DAGDAG-PONDO SA IN-SERVICE TRAINING NG MGA GURO INIHIRIT
PINADARAGDAGAN ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang pondo para hasain ang mga guro sa English, Math, at Science upang matiyak ang dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.
PINADARAGDAGAN ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang pondo para hasain ang mga guro sa English, Math, at Science upang matiyak ang dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.
Sinabi ni Rillo na naglalaan ang Kongreso ng P746 milyon kada taon para sa in-service training ng mga guro subalit nais niya itong itaas sa P1.5 bilyon simula sa susunod na taon.
Nakikipag-ugnayan ang Department of Education sa iba’t ibang pampubliko at pribadong institusyon tulad ng University of the Philippines, Philippine Normal University, at Development Academy of the Philippines para sa pagpapatupad ng in-service training sa mga guro upang mapataas ang kanilang pagiging dalubhasa sa mga core subject.
“If necessary, the DepEd should also enlist the help of educators from the best private K to 12 schools to help in the training courses,” dagdag pa ni Rillo.
Inendorso na rin ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatayo ng Teacher Education and Training Committee na magtatakda ng minimum criteria sa pagkuha ng mga guro.