DAGDAG PONDO SA EDUKASYON MALAKING HAMON — SOLON
AMINADO si House Assistant Majority Leader at Rizal Rep. Fidel Nograles na malaking hamon sa gobyerno ang paghahanap ng karagdagang pondo para sa sektor ng edukasyon sa gitna ng epekto ng Covid19 pandemic.
“We have an enormous challenge ahead of us because what has been a staggered approach towards distance learning has now become an inescapable reality,” pahayag ni Nograles, ilang linggo bago talakayin ang panukalang P4.5-trillion budget para sa 2021.
Sinabi ni Nograles na kailangang maging malikhain ang gobyerno sa pagbalangkas ng national strategy sa edukasyon.
Dahil sa pandemya, isinusulong ang distance learning methods dahil delikado ang pagsasagawa ng face-to-face instruction.
Matapos namang maitalagang miyembro ng technical panel para sa public administration at agriculture ng Commission on Higher Education, nangako ang kongresista na maghahanap ng paraan para sa dagdag na pondo sa education sector.
“I am humbled by this new appointment, and I vow to become an active partner in the CHED’s goal of raising the quality of higher education in our country,” pahayag ni Nograles.
“Among the roles that I will have to take on is advocating for more funding for education. We
cannot allow ourselves to fall into the trap of thinking we can sacrifice education because of our recovery efforts,” dagdag pa niya.