Nation

DAGDAG-BENEPISYO SA PNPA CADETS

/ 9 March 2023

IPINATUTUPAD na ang panukalang karagdagang benepisyo para sa mga kadete ng Philippine National Police Academy, ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, PNPA Information Office Chief.

Sinabi ni Gonzaga na noon pang Pebrero ay natanggap na ng mga kadete ang kanilang dagdag-benepisyo gaya ng monthly salary na katumbas ng isang pulis na may ranggong Police Executive Master Sergeant, at mga allowance na kapantay ng regular government employee.

Ang pagbibigay ng benepisyo at suweldo sa mga kadete ay alinsunod sa Senate Bill No. 1596 o ang PNPA Cadet Act na naglalayong ikonsidera bilang government employees ang mga kadete ng akademya.

Samantala, inanunsiyo ni Gonzaga na 208 PNPA cadets ang magtatapos sa Biyernes, Marso 10, kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang guest speaker.