Nation

CPR-TRAINED STAFF IPWESTO SA BAWAT PAARALAN – LAWMAKER

/ 9 December 2020

BINIGYANG-DIIN ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na walang pinipiling oras, lugar at tao ang biglaang atake sa puso.

Isa sa epektibong paraan laban sa sudden cardiac arrest ay ang pagkakaroon ng cardiopulmonary resuscitation.

“However, if CPR is performed late or wrongly on a SCA patient, it can decrease the patient’s chance of survival and bring about severe mental impairment,” pahayag ni Vargas.

Dahil dito, isinusulong ni Vargas ang House Bill 5817 na nagbibigay ng mando sa bawat paaralan na magkaroon ng isang certified sa pagsasagawa ng CPR at first aid.

Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Vargas na hindi ligtas ang mga estudyante sa panganib ng biglaang atake sa puso dahil sa kanilang physical at athletic activities sa paaralan.

“Thus, it is critical that there are always CPR-trained personnel in school,” diin pa ni Vargas.

Batay sa panukala, magtatalaga ng isang person certified in CPR at first aid na tutulungan din ng medically-qualified personnel.

Ang mga certified sa CPR at first aid ay ang mga taong naka kumpleto at may yearly renewal ng kurso na tumutugon sa requirement ng Secretary of Health o kanyang kinatawan.

“Through this initiative, not only do we guarantee protection for our students, but also safety and protection for teachers, school administrators and other staff,” dagdag pa ni Vargas.