CPP-NPA-NDF PATULOY ANG RECRUITMENT SA MGA ESTUDYANTE
NAGPAPATULOY ang recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front sa mga kabataan na kanilang magagamit sa kanilang aktibidad.
Partikular na target ng mga rebelde ang mga estudyante na mataas ang antas ng pagnanais ng kaalaman.
Aminado ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na naghihinala sila sa nasabing aktibidad ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec Ernesto Torres, ang kanyang pahayag ay kasunod ng pagsama ng NTF -ELCAC bilang kanilang miyembro sa Cocopea, na samahan ng mga pribadoong eskwelahan.
Ito ay upang mapigilan sakaling pati ang mga pribadong eskwelahan ay napasok na rin ng makakaliwang grupo.
Aniya, ang kanilang information dissemination ay layong mapigilan na malihis ng landas ang mga kabataan.
Palalawakin ng national task ang kanilang information dissimination sa mga pribadong eskwelahan hinggil sa communist insurgency.
Subalit binigyang-diin ni Torres na sa ngayon ay wala nang kakayahan ang komunistang grupo, partikular sa pakikipaglaban at pagsasagawa ng malawakang recruitment.
Batay naman sa datos ng Armed Forces of the Philippines, may mahigit 1,000 fighters na lamang ang mga komunistang rebelde na nasa ilalim ng apat na aktibong guerilla fronts.