COVID19 VAX ‘DI MANDATORY SA MGA ESTUDYANTENG DADALO SA F2F CLASSES — DEPED
HINDI kailangang bakunado kontra Covid19 ang mga estudyanteng dadalo sa limited face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
HINDI kailangang bakunado kontra Covid19 ang mga estudyanteng dadalo sa limited face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Ayon kay Briones, hindi maaaring gawing mandatory ang pagbabakuna dahil ang mga magulang ang nagdedesisyon kung ang mga bata ay babakunahan laban sa respiratory illness.
“Hindi required [ang vaccination for in-person classes]. It is voluntary kasi ang parents ang magde-decide niyan. But of course, we would encourage [vaccination],” ani Briones.
Ayon kay Briones, mas malakas ang immunity ng mga bata laban sa virus.
Sa 15,000 na dumalo sa pilot phase ng in-person classes ay wala aniyang nagpositibo sa Covid19.
Ngunit muling iginiit ni Briones na mandatory ang pagbabakuna sa mga teaching at non-teaching personnel na pumapasok sa eskwelahan.
Maaari namang magpatuloy sa trabaho ang mga ito sa ilalim ng work-from-home setup o magsusumite ng negative RT-PCR result.