CONGRESSIONAL LIBRARY IPINATATAYO SA BOHOL
ISINUSULONG ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor ang panukala para sa pagtatayo ng congressional library sa munisipalidad ng Guindulman.
Sa kanyang House Bill 9294, iginiit ni Tutor na napapanahon nang magkaroon ng congressional library sa lugar na isasailalim sa direktang kontrol at superbisyon ng National Library of the Philippipnes.
Ipinaalala ng kongresista na ang access sa dekalidad na edukasyon ay hindi limitado sa formal education system kundi maging sa iba pang porma ng pag-aaral.
“Libraries serve as the community’s gateway of knowledge and information. Libraries likewise preserve the proud history and heritage of our country,” pahayag ni Tutor sa kanyang explanatory note.
Binigyang-diin ng mambabatas na mahalagang palawakin ang access sa information at sa iba’t ibang educational materials sa pamamagitan ng mga karagdagang libraries sa buong bansa.
Sinabi pa ni Tutor na ang ikatlong distrito ng Bohol ang pinakamalaking distrito sa lalawigan subalit wala itong fully functioning at operational municipal o congressional library.
“The Municipality of Guindulman serves as a very strategic venue for the establishment of a Congressional Library as it is a doorway to the Bohol Island State University,” dagdag pa niya.