COMPUTERS, CASH INCENTIVES SA NAVOTAS TEACHERS
BILANG selebrasyon sa Navotas Teachers’ Day, nagkaloob ang pamahalaang lungsod ng mga computer at P200,000 cash prizes sa public at private school teachers.
Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang pinagkalooban ng desktop unit bawat isa.
Ang Navotas Science High School ay nakatanggap din ng 24 desktop computers para sa kanilang computer laboratory.
Ipinahayag ni Mayor Toby Tiangco ang kanyang pagpapahalaga sa mga guro ng lungsod at iba pang school personnel.
“We are fortunate to have educators who go beyond their duty to ensure that our youth get the best education, whatever the circumstances are. Indeed, they are our modern-day heroes,” sabi ni Tiangco.
“Though we cannot be with them personally, we hope this online celebration will make them feel how much we appreciate them,” dagdag niya.
Samantala, pinuri ni Congressman John Rey Tiangco ang mga tagapagturo ng lungsod dahil sa kanilang pagtitiyaga at masipag na pagdidisenyo sa pagpapatupad ng NavoSchool blended learning model.
“Navotas gained national limelight because of our NavoSchool-in-a-box. Our model showed that with or without the pandemic, learning must continue,” sabi niya.
Bukod sa mga computer, nagbigay rin ang Tiangco brothers ng P200,000 cash prizes. Nasa 50 teachers ang nanalo ng tig-P500, 50 ang tig-P1,000, 20 ang tig-P2,000, 5 ang tig-P3,000 at isa ang nagwagi ng P10,000.
Ipinagdiriwang ng lungsod ang Navotas Teachers’ Day tuwing ikalawang Biyernes ng Disyembre alinsunod sa Municipal Resolution No. 2006-02.